Regalo mula sa OneLineTV ngayong Disyembre
- OneLineTV
- Dec 8, 2020
- 1 min read

File: from OneLineTV page
Talagang tuloy na tuloy pa rin ang Pasko! At dahil d’yan, tuloy na tuloy na ang official release ng OneLineTV!
Tuloy na tuloy ang kuwentuhan at tawanan sa Korina and Jessica! Mapapanood ito ng LIVE tuwing Sabado, 8:05 PM!
Makikirelate ka naman sa everyday life ni Huan sa Life with Huan, na mapapanood tuwing 8:25 PM sa livestream tuwing Sabado.
Maki-tawa sa mga chismis na dala ng True Ba na mapapanood naman tuwing 8:35 PM ng Sabado.
Maki-party naman kay Huan sa Hangout Nights at maki-all out hangout tuwing 8:45 PM ng Sabado.
Mapapathrowback ka sa Throwvlogs na hango mula sa Huan Catan Channel content na naipalabas noong Abril hanggang Agosto. Mapapanood ito tuwing Sabado ng 9:00 PM
Magsisimula na ang streaming ng OneLineTV sa December 19, Sabado, 8:00 PM.
Opmerkingen